Ah, so kanina na ba?
Tuesday, February 26, 2013 x 12:00 AM
Siguro.
Pwede rin namang hindi.
Bakit ba ako naghihintay? Kung tutuusin, wala naman akong karapatang umusyoso. Kung tutuusin, hindi ko naman dapat nalaman 'to.
Hindi na dapat ako nag-aabang. Darating naman na iyan. Malapit na, alam ko. Sa mga darating na araw, malamang, malalaman na rin ng lahat.
Sa mga darating na araw, mapipilitan na akong tanggapin ang kakailanganin kong tanggapin, gustuhin ko man o hindi.
Wala na talaga.
Sa mga panahong ito, nararapat lang sigurong isaisip ko na ang kinatatayuan ko. Naging sapat ang oras, pero mayroon ba akong nagawa? Wala. Hindi nagkulang sa
time, pero nagkulang sa
effort.
Masyado akong naging kampante.
Masyado akong nagtiwala sa ideya na naka-kahon ka. At, sa kahong iyon, may maliit na butas kung saan, kahit paminsan-minsan, nakasisilip ako. Kahit paano, sa naka-kahong mundo mo, nagkakaroon ako ng
access.
Sa ganyan ka-simpleng bagay, naging masaya na ako.
Pero, teka. Ano bang nangyari?
Una, nagka-plano ako.
Okay naman noong simula.
Okay naman, pero nag-
backfire.
Teka.
Pangalawa, gusto ko nang kalimutan 'to,
trust me.
Sandali lang.
Pangatlo, masaya naman ako para sa'yo eh.
Nagkakataon lang na, sa bawat oras na nakalipas matapos ang araw na iyon,
nalulungkot talaga ako.
Sorry.Labels: mir